CONNECT WITH US
ni Gng. Lorna B. Rosas
Kasabay ng pagdiriwang ng “Christmas Party” sa Malabon II na ginanap sa paaralang elementarya ng Ninoy Aquino ay ipinahayag ang mga nanalo sa timpalak sa “Teacher’s Obra Maestra”. Ang mga guro sa ating paaralan ay nakisaya’t nagalak sapagkat lahat halos ng sumali sa bawat asignatura sa nasabing pa- ligsahan ay nakapag-uwi ng karangalan sa pa- ngunguna ni Bb.Ciree Mercado, ang gurong Tagapangasiwa sa LRMDC ng ating paaralan. Dito ay muling pinatunayan ng ating mga guro ang kanilang angking kakayahan na makalikha ng na- papanahong kagamitang panturo maging ito man ay print ads o manipulative devices na may layuning makatulong ng malaki sa pag-unlad ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Sa mga gurong nakilahok sa bawat baitang ay hindi nasayang ang kanilang hirap, pagod at puyat sa ginawang paghahanda sapagkat pinalitan ito ng isang espesyal na regalo mula sa ating Maykapal. Mabuhay mga gurong Tonsuyanian!!. Umaasa na mas marami pang guro ang makikilahok sa susunod na paligsahan upang makapag-uwi ng karangalan sa ating paaralan.
ni Mikhaela C.Añasco, V-Earth
Muling napalitan ang ating punungguro sa taong ito. Sa lahat ng nadestino sa ating paaralan ay natatangi ang 51 taong gulang na si Gng.Zenaida M. Roberto. Naiiba siya sapagkat dito siya nagmula at nagturo ng walong taon bago naging ganap na punungguro noong taon 2006.
Si Gng. Roberto ay may tatlong anak na may edad na 24, 22 at 17 taong gulang. Ang pagiging isang Christian ay makikita sa kanyang kilos at pananalita. Lavender ang paborito niyang kulay. Sa pagkain naman ay Green Salad ang pinakagusto niya.
Ang unang paaralang pinamahalaan niya ay ang Paaralang Elementarya ng Tinajeros Unit 1 na sinundan ng Paaralang Santulan at Potrero. Paaralang Tinajeros Main ang huli niyang pinamunuan bago siya nalipat sa ating paaralan.
Masaya at kinasabikan siya ng ating mga guro nang siya’y salubungin. Natutuwa sila sa tagumpay na narating ni Gng.Roberto lalo pa’t nakamit niya ang pagiging Most Outstanding Principal sa ating Dibisyon noong taong 2014. Alam nila na sa pamumuno niya ay malalagay sa ayos ang ating paaralan. Kahit sandaling panahon pa lamang ang inilagi niya sa ating paaralan ay marami na rin siyang nagawang proyekto tulad ng pagpapaganda sa ating kapaligiran, paglalagay ng mga grills at pagsasaayos ng mga tubo ng tubig na nagdulot ng pagbaba sa konsumo nito.Sa tulong din ni Gng. Roberto kaya ang mga NGO’s tulad ng “Save the Children” ay buong suportang tumutulong sa ating mga pangangailangan.
“Walang hihigit pa sa kaligayahan na matatagpuan dito sa lupa maliban na nasa sentro ka ng kalooban ng Diyos”. Ito ang kanyang paniniwala kung bakit siya ay matatag at masaya kahit may dumating pang pagsubok sa buhay.
Personal na pinangangalagaan ni Gng. Rosie E. Junio ang Silid-Aklatan at ni Gng.Charito R.Mercado ang silid naman ng LRMDS upang matiyak nilang ang bawat baytang sa ating paaralan ay nakagamit nito at malinang ang kakayahan ng mga bata.
Ang nabanggit na mga silid ay parehong nanalo ng Ikalawang puwesto sa Pandistritong Patimpalak bilang “Most Functional Library at LRMDS Center.”
Sa tuwing papasok ang mga mag-aaral sa dalawang silid na ito ay kakikitaan mo ng kasiyahan at excitement ang kanilang mga mukha, Natututo na sila ay
nakapaglilibang pa.
Sa Silid Aklatan ay hindi lamang pagbabasa ang maaari nilang gawin, kundi malaya silang pumili ng “educational toy” na nais nilang paglaruan. Dito rin sinasanay ng mga guro ang mga batang isinasali nila sa mga paligsahan tulad ng sa Pamamahayag. Ipinapaikot din ni Gng.Junio ang mga aklat na nasa “bins” upang
magamit ng mga mag-aaral sa pagpapabasa.
May ginawang eskedyul si Gng.Mercado sa bawat baitang na mag kaklase sa silid ng LRMDS upang gamitin ito.Malaki ang TV dito na ikinatutuwa ng mga batang panooran. Ang mga guro ay nakahihiram din ng ibat-ibang kagamitan (IM’s)na malaking tulong para sa
kanilang pagtuturo .
Tunay na ang dalawang silid na ito ay kapakipakinabang sa lahat.